Monday, 17 June 2019

Totoo ba ang mga online surveys? Hindi ba SCAM ang mga ito?


 

Bilang mga ina, ramdam natin yung bigat ng responsibilidad na nasa ating mga balikat. Hindi tayo tumitigil na mag-isip ng mga paraan kung paano natin matutulungan si mister sa mga gastusin sa loob ng bahay.
Online mga wonder moms, napakadami ang nag-aalok ng mga extra income like data encoding, Facebook advertising, investment at kung anu-ano pa. Kahit kaylan di po ako pumatol sa mga ganitong alok dahil sa talamak na pang-iiscam sa panahong ito.
Ngunit bilang raketera, sinubukan ko po itong pagsagot nga mga online surveys mga wonder moms. Hindi ko po sinasabi na lahat ng Online Surveys puwede tayo kumita. Kailangan din po natin piliin ang mga online surveys na legit at nang hindi tayo ma-scam. Sa katunayan nyan, bago pa ako nag-sign up sa mga online surveys na'to, nagresearch muna ako ng mga reviews online regarding sa mga survey websites na legit at hindi legit. Pano ba ang raket na ito? Pano ba makukuha ang payment? 
Ang payment po mga wonder moms ay puwedeng through Paypal at Sodexo GC - gaya nang nasa itaas ng post na ito.
Nakuha ko ang Sodexo GC na 'yan in exchange of answering surveys online. Di po nakakayaman, ngunit malaking tulong sa mga maliliit na pangangailangan ng pamilya. Bilang isang stay-at-home parent, choosy pa ba ako? 
Saan po ba magagamit ang Sodexo?
Heto po ang mga merchants kung saan pwede nyo magamit ang Sodexo GC: https://merchants.sodexo.ph/merchant
Pwede ipang-grocery, ipang-kain sa labas, at ipang-shopping ang Sodexo GC mga wondermoms. O di ba, da best?!
Kung ikaw ay isang ina, maybahay o ordinaryong indibiduwal na gustong magkaroon ng perks, raket, extra income tulad nito, comment down your emails so I can send you invites sa mga legitimate na online survey websites. 
Wala po akong referral fee dito mga ka-wonder ha, I just want to share to those who are interested to earn while at home or anywhere. Syempre dapat may cellphone tayo or di kaya'y laptop/desktop at internet! 
Tip lang: Kumpletuhin lang ang inyong profile pag kayo ay nag-sign up para mapadalhan ng SURVEYS na inyong sasagutan. Pag kayo po ay napadalhan na ng mga surveys, galingan po ninyo ang pagsagot dahil may kaukulang points po ang bawat survey.

Good luck and happy earning! If you have any question regarding this opportunity, email me @ MotherhoodWondersAndWanders@gmail.com

8 comments:

  1. wow jen galing nmn.. pasahan mo nmn ako ng iba jan! hehe.. pwede yan habang nghihintay ng anak ko sa school.

    ReplyDelete
  2. Thanks, sure! Pwedeng pwede jha! keep vising my page:)

    ReplyDelete
  3. Hala. Gusto ko to ..pra paglibangan .pag nasa school.. Mahalaga oras kaya push na to..❤😂😁 Thank you for sharing mommie jen

    ReplyDelete
  4. Hi Iza, yes pwedeng pwede sa free time natin. If you have some questions, message me. Happy earning!

    ReplyDelete